Repatriation ng dalawang Pinoy na namatay sa sunog sa UAE, tinututukan na ng DMW

Tinututukan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa labi ng dalawang Pinoy na namatay sa sunog sa Al Barsha sa United Arab Emirates.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, 500 mga Pinoy ang naapektuhan ng sunog at kanila na itong nabigyan ng paunang financial assistance.

Sa pagtungo ngayon ni Cacdac sa UAE, nakaharap niya ang dalawang daang mga Pinoy na kabilang sa mga biktima ng sunog.

Nakatakda rin aniya silang magbigay ng pangalawang round ng financial assistance sa mga nasunugang Pinoy lalo na ang mga wala pang matirahan sa UAE.

Samantala, binisita rin ng kalihim ang mga Pilipinong nakakulong sa UAE at nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga opisyal ng nasabing bansa para sa paglaya ng mga Pinoy.

Facebook Comments