Repatriation ng labi ng OFW na tumalon sa POLO shelter sa Lebanon, matatagalan pa

Hindi pa masabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung kailan maiuuwi sa Pilipinas ang labi ng Filipina household service worker sa Lebanon.

Nabatid na pansamantalang pinatuloy ng Philippine Embassy sa POLO shelter ang Pinay na nagpakamatay matapos na tumalon.

Sa ngayon kasi ay naka-lockdown pa ang Beirut at wala pang international flights sa Lebanon.


Naabisuhan na rin ng DFA ang pamilya sa Pilipinas ng naturang OFW.

Tiniyak naman ng DFA na isasailalim nila sa counselling ang iba pang OFWs na kasama sa shelter ng nagpakamatay na OFW.

Facebook Comments