Paiigtingin ng pamahalaan ang repatriation efforts nila sa mga Pilipinong nasa Beirut kasunod ng serye ng street protest at pagsuko ng Lebanese Government.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, ginagarantiya nila ang kaligtasan ang lahat ng Pilipinong nasa Lebanon.
Ang unang chartered Qatar Air flight lulan ng nasa 400 Filipino repatriates ay inaasahang darating sa Manila sa August 17.
Pagtitiyak ni Arriola na walang maiiwan doon.
Dadalhin din sa pamamagitan ng repatriation flight ang labi ng apat na Pilipinong namatay sa kambal na pagsabog.
Libre aniya ang flights at walang gagastusin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Lebanon.
Sa taya ng Philippine Embassy, aabot sa 33,000 Filipinos ang nasa Lebanon at karamihan ay household service workers.