Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tapos na ang repatriation ng 136 na mga Pilipino sa Gaza.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na kabilang dito ang huling batch ng repatriates na binubuo ng tatlong pamilya o 14 na katao na dumating kahapon sa bansa.
Gayunpaman, inihayag ni De Vega na may isa pang madre ang kusang-loob na nagpaiwan sa Gaza para sa kanyang misyon.
Pero bukod dito ay wala ng mga Pinoy sa Gaza at wala na ring hawak na Pilipinong hostage ang mga rebelde.
Matatandaang ipinag-utos ng pamahalaan ang mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Gaza sa ilalim ng Alert Level 4, sa gitna ng giyera ng Israel at Hamas.
Facebook Comments