Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaayos na nila ang repatriation sa mga Pilipinong biktima ng illegal trafficking sa Southeast Asia.
Ayon kay Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, batid nilang maraming Pinoy ang nabiktima at pinadala sa mga karatig na bansa na kalaunan ay napasok sa illegal operations tulad ng online scamming.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na awtoridad sa Cambodia, Laos at Myanmar para mapauwi ang naturang mga Pinoy.
Muli namang nanawagan ang DFA sa mga Pinoy na maging vigilant at tiyaking dumaan sa proseso ng pangingibang-bansa.
Facebook Comments