Repatriation ng mga tripulanteng Pinoy sa Ukraine, pahirapan pa rin

Nananatiling malaking hamon para sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang paglikas ng mga Pilipino seafarer sa Ukraine.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, mahigit 100 na Pinoy seafarers ang napauwi na nila sa bansa habang paparating naman ang 140 iba pa.

Gayunman, mayroon pa aniyan mahigit 200 Pinoy crew members ang nasa kanilang mga barko sa Ukraine at inaasikaso pa ang kanilang repatriation.


Tiniyak naman ni Olalia na magkakaloob ang pamahalaan ng financial aid na $200 o mahigit P10,000 sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na iniuwi sa Pilipinas mula sa Ukraine.

Nakahanda rin umano ang POEA na tulungan ang umuwing OFWs para makahanap ng ibang trabaho.

Facebook Comments