Repatriation ng pamahalaan sa stranded OFWs sa Macau, nagpapatuloy

Tiniyak ng Philippine Consulate sa Macau na magpapatuloy ang repatriation nila sa mga Pinoy doon hangga’t hindi nakakabalik sa normal ang commercial flights sa Pilipinas, sa harap na rin ito ng COVID-19 surge na nararanasan ngayon sa Hong Kong.

Kanina pinakahuling dumating ang 203 na mga Pilipino mula Macau na matagal nang naghihintay na makauwi.

Sa ngayon ay nagpapatuloy rin ang travel ban ng Hong Kong sa Pilipinas, Australia, Canada, France, India, Pakistan, US, at UK.


Samantala, dumating na sa bansa ang 6 na Pilipino mula sa Ukraine, na boluntaryong sumailalim sa repatriation program.

Sa harap ito ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Malaking bilang naman ng mga Pinoy sa Ukraine ang tumangging magpa-repatriate at sa halip sila ay lumipat sa ibang bansa habang ang iba naman ay nanatili sa kanilang pinagtatrabahuhang kompanya doon.

Facebook Comments