Inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embassy sa Turkey ang repatriation ng Pinay na kabilang sa namatay sa lindol doon.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita Daza, nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng naturang Filipina.
Nabatid na ang nasabing Pinay ay nagbabakasyon lamang kasama ang kaniyang employer nang madamay sa lindol.
Napag-alaman din na mismong ang asawa nitong Turkish ang tumawag sa kaniyang pamilya sa Pilipinas para ipaalam ang nangyari sa kanyang maybahay.
Una nang hiniling sa pamahalaan ng ama ng Pinay na madaliin ang pag-uwi sa labi nito sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak din ni Daza na sinisikap ng Philippine Embassy sa Turkey na makumpirma ang hinggil sa sinasabing mga nawawalang Pinoy dahil sa pagtama ng lindol.