Repatriation ng sanggol na naulila ng OFW na namatay sa COVID-19 sa Kuwait, pinoproseso na

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Kuwait na pinoproseso na nila ang repatriation sa sanggol na naiwan ng kanyang inang OFW na namatay sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Ayon sa embahada, naantala ang repatriation sa sanggol dahil wala itong birth certificate.

Single mother aniya ang namatay nitong ina na si Maricris at ang kaibigan lamang ng namayapang OFW ang nag-aalaga ngayon sa bata


Hindi na naiuwi sa Pilipinas ang labi ng OFW at sa Kuwait at inilibing ang labi nito dahil bawal ang cremation sa nasabing bansa.

Umapela naman sa embahada ang lola ng sanggol sa Pilipinas na bilisan ang repatriation sa kanyang apo dahil ito na lamang ang naiwang alaala ng kanyang anak.

Facebook Comments