Manila, Philippines – Umaapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait na sumailalim sa Amnesty Program ng Kuwaiti Government habang hindi pa huli ang lahat.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola 6,000 OFWs pa ang kinakailangang magpatala sa Philippine Embassy sa mga susunod na araw upang maiwasan ang posibleng pagkaka aresto at detention sa Kuwait.
Sa ngayon nakapag repatriate na ang pamahalaan ng 3,930 mula sa 8,727 Filipinos sa Kuwait mula ng ipatupad ang nasabing amnesty at repatriation programs nuong January 29 at 11 February 2018.
Paliwanag ni Arriola, ang mga undocumented OFWs na sasailalim sa repatriation program ay kinakailangang magparehistro hanggang April 12 dahil 10 araw ang kinakailangan upang maproseso ng embahada ang kanilang exit requirements.
Una nang itinakda ng Kuwaiti Government sa April 22 ang pagtatapos ng ibinigay nilang amnesty program sa mga undocumented workers na nagtatrabaho sa kanilang bansa.