Manila, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Foreign Affairs ang repatriation sa 5,176 undocumented OFWs sa Saudi Arabia
Ito ay mula nang ipatupad ng Saudi governemnt ang amnesty program noong March 29 ng taong ito at nagtapos noong Linggo, June 25.
Patuloy naman na pino-proseso ng Philippine Embassy sa Riyadh ang iba pang application ng undocumented OFWs para sa exit visa.
Ito ay bagamat wala pang anunsyo ang Saudi Govt. kung palalawigin ang amnesty program.
Una nang nagpadala ang DFA ng dalawang Rapid Response Teams sa Riyadh at Jeddah/Al Khobar para mag-issue ng travel documents sa mga papauwing OFWs.
Facebook Comments