Repatriation sa mga Pinoy sa Israel, ipinalalatag na ng isang senador

Umapela si Senate Committee on Public Services Chair Senator Grace Poe sa pamahalaan na ikonsidera na ang paglalatag ng repatriation para sa mga Pilipinong naiipit sa war crime sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist Group na Hamas.

Ayon kay Poe, mahalagang ma-i-assess at maihanda ang repatriation para sa mga kababayang malapit sa “battle zone” sa Israel habang bukas pa ang borders.

Iginiit pa ng senadora na ang pamahalaan sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay mayroong standby fund para sa ating mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais umuwi na ng bansa.


Sinabi pa ni Poe na sa gitna ng pagasang magkaroon ng mapayapang resolusyon o pagtatapos ang naturang kaguluhan, kinakailangang maging mabilis ang pagkilos ng gobyerno na masigurong walang Pilipino doon ang mapapabilang sa mga casualties.

Binigyang diin pa ni Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino ang pinakapangunahing concern sa ngayon kaya naman dapat matiyak ng gobyerno na ang ating mga kababayan lalo na ang mga nakatira o nagtatrabaho malapit sa Gaza strip ay mailipat sa ligtas na shelter.

Facebook Comments