MANILA – Maaari nang magbigay ng replacement ballot ang Commission On Election sa mga botanteng hindi tatanggapin ng Vote Counting Machine ang kaniyang balota.Batay sa Revised General Instruction, Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, oras na ireject ng vcm ang balota ay bibigyan ang botante ng apat na beses para ipasok ulit sa makina ang balota sa magkakaibang orientation.Pero kung hindi pa rin ito tatanggapin, ituturing na aniya itong spoiled ballot.Aniya, sa ganitong pagkakataon mamarkahan ng Board Election Inspector o (BEI) ang balota sa likod bilang rejected tsaka pipirmahan ng lahat ng BEI at ilalagay sa envelope.Kung hindi naman aniya kasalanan ng botante na mareject ang kaniyang balota, papayagan ng Comelec na palitan ito at makabotong muli.Samantala … Tinutulan naman ng Dating Comelec Commissioner na si Atty. Gregorio Larazabal ang hakbang na ito ng Comelec.Giit ni Larazabal, binubuksan nito ang oportunidad sa mga botante na isisi sa VCM ang may pagkakamali sa pagreject ng kanilang balota.Bukod rito – maaari rin aniyang magkaubusan ng balota dahil eksakto lang naman ag ibibigay ng Comelec sa bawat presinto.
Replacement Ballot – Ibibigay Sakaling Ireject Ng Vote Counting Machine Ang Balota
Facebook Comments