REPOLYO AT IBANG REKADO SA DAGUPAN CITY, TUMAAS NG P20-P40 KADA KILO

Bahagyang tumaas ang presyo ng repolyo at ilang rekado sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera , nasa 20 hanggang 40 pesos ang dumagdag sa presyo ng repolyo, sibuyas, bawang at luya.
Tinuturo pa rin umanong dahilan ng kanilang suppliers ang mga nagdaang bagyo na lubhang nakaapekto sa mga pananim at transportasyon ng mga produkto.
Sa ngayon, nasa 160 pesos ang presyo ng repolyo parehas sa kada kilo ng sibuyas na pula habang nasa 140 pesos naman ang kada kilo ang sibuyas na puti, bawang, at luya.
Sa kabilang banda, nananatiling mababa ang presyo ng patatas na nasa 40 pesos ang kada kilo at kamatis na nasa 50 pesos ang kada kilo.
Kaugnay nito, tuloy sa pagbebenta ang mga tindera sa kabila ng bahagyang matumal na bentahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments