Repopulation ng baboy, umarangkada na sa Batangas – DA

Photo Courtesy: Department of Agriculture - Philippines Facebook Page

Naglaan ng aabot sa ₱29.6 billion na budget ang Department of Agriculture (DA) upang simulan ang pagpaparami ng mga baboy upang magkaroon ng sapat na suplay ang Metro Manila.

Layon nito na masimulan na ng mga hog raisers at mga kooperatiba sa Batangas ang repopulation o pagpaparami ng baboy.

Ayon kay Agriculture Undersecretary William Medrano, ang pondo ay para tulungan ang mga commercial hog raisers at backyard hog industry na muling makabangon dulot ng African Swine Fever (ASF).


Pinautang ang mga hog raisers ng puhunan kung saan babayaran ito sa loob ng limang taon ng walang interes.

Maliban sa DA, mayroong pondong ilalabas ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines para tulungan ang mga magbababoy.

Hinimok naman ng Philippine Crop Insurance Corporation ang mga magbababoy na irehistro ang kanilang mga alagang baboy at manok upang makakuha ng sampong libong piso na insurance pay sakaling dapuan ng anumang sakit ang mga hayop.

Facebook Comments