REPORMA | Bagong buffer stock, target ng bubuuing TWG ni Agriculture Secretary Manny Piñol

Manila, Philippines – 60 days buffer stock ang isa sa mga planong reporma ni Agriculture Secretary Manny Piñol kasabay ng isyu ng pagbaba ng suplay ng NFA rice sa bansa.

Sa isang press conference sa Maynila sinabi ni Piñol na marami silang repormang ipapatupad para makuha ang 60 days buffer stock.

Ilan sa mga ito aniya ang pagbibigay ng insentibo sa mga magsasaka na mag bebenta ng kanilang ani sa National Food Authority (NFA).


Kasabay nito sinabi din ni Piñol na marami silang napansin na iregularidad sa kanilang ginawang pag iikot sa merkado.

Aniya, walang sistema sa kapag presyo ng bigas at sa tamang klasipikasyon ng mga ito.

Nangako din ang kalihim na gagawan nila ng trackers ang mga imported na bigas sa bansa kung saan ito nag mula, upang matukoy kung ang mga ito ba ay talagang imported o locally milled rice.

Layon aniya nito na mahuli ang mga retailers na naghahalo ng mga iba’t ibang klaseng bigas at ibebenta sa mataas na presyo bilang premium rice.

Facebook Comments