Friday, February 6, 2026

Reporma para sa mas mabilis at mas murang internet, tuloy-tuloy ayon kay PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang mga reporma ng pamahalaan para pabilisin, pababain ang presyo, at palawakin ang internet at broadband services sa buong bansa.

Sa Telco Summit 2026, sinabi ng Pangulo na patuloy na pinalalawak ng gobyerno ang saklaw ng connectivity, lalo na sa mga lugar na matagal nang kulang o walang maayos na internet.

Isa sa mga pangunahing hakbang, ayon sa Pangulo, ang pagpasa ng Konektadong Pinoy Act na nag-alis sa mga matagal nang hadlang sa industriya at nagbukas ng mas malawak na kompetisyon.

Sa ilalim ng batas, hindi na kailangan ng congressional franchise para makapagtayo o makapag-operate ng data transmission networks, kaya mas mabilis ang rollout at mas maraming pagpipilian ang publiko.

Itinatakda rin ng batas ang infrastructure sharing at co-location ng mga telco upang maiwasan ang dobleng gastos, mapababa ang deployment cost, at matiyak na bawat pisong ginagastos ay may direktang pakinabang sa mamamayan.

Facebook Comments