Inihayag kahapon ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang kanyang ibat ibang mga inisyatiba at mga programa sa buong rehiyon magmula ng itoy manungkulan sa mga itinuturing nitong mga “ Boss” na mga Bangsamoro sa kanyang State of the Region Address.
Kabilang na rito ang naging tulong ng mga proyektong naisailalim ng ARMM Health, Education , Livelihood , Peace and Governance and Synergy o ang ARMM HELPS at Bangsamoro Regional Inclusive Development for Growth and Empowerment o ARMM BRIDGE Sinasabing mahigit 400 na mga barangay ang nakabiyaya nito.
Ipinagmalaki rin ni Gov. Hataman ang mga repormang nagawa sa Department of Education , ibinida rin nito ang pagtaas ng literacy rate sa buong rehiyon at pagdami ng bilang ng mga mag aaral na pumapasok sa mga eskwelahan.
Sinasabing mahigit 600 na Rural Health Unit na may birthing facility ang naipatayo sa Hatamans Administration resulta ng pagbaba ng bilang ng mga namamatay na ina at anak dahil sa panganganak sa rehiyon.
Habang pinasalamatan rin nito ang lahat ng kanyang mga gabinte na kanyang naging katuwang para maipagpatuloy ang repormang kanilang isinusulong.
Kaugnay nito bagaman aminadong andami paring dapat ayusin sa rehiyon bunsod sa mga pagsubok na kinakaharap , malaki pa rin ang paniniwala ni Gov. Hataman na malalagpasan ito ng mga Bangsamoro, kabilang na ang nangyari sa Marawi.
Bisita kahapon sa SORA si BTC Chairman Ghadzali Jaafar, Western Mindanao Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. 6th ID Commander MGen. Arnel Dela Vega at ilang opisyales mula sa ibat ibang bayan ng ARMM.
Ang SORA ay isinabay sa pagdiriwang ng 28th Founding Anniversary ng ARMM.
BPI Pic