REPORMA SA BUWIS | BIR, naglabas ng circular para sa bagong withholding tax computation

Manila, Philippines – Naglabas ang Bureau of Internal Revenue ng circular para sa bagong withholding tax computation.

Nakapaloob sa revenue memorandum circular 105-2017 ang bagong exemption level at bagong income tax brackets.

Sakop ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang income tax exemption sa mga kumikita ng hanggang P250,000.


Una nang sinabi ng BIR na magsasagawa sila ng public consultation para sa ilalabas nilang implementing rules sa TRAIN law.

Maliban rito, maglalabas rin ang BIR ng ibat ibang Revenue Regulations (RR) kasama ang Revenue Memorandum Order (Rmo) tungkol sa VAT refund system.

Magtatalaga rin ang ahensiya ng sistema tungkol sa E-Sales at E-reporting.

Facebook Comments