REPORMA SA BUWIS | Dagdag presyo sa produktong langis dahil sa excise tax, hindi pa epektibo sa unang linggo ng 2018

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi makakaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo ang bagong excise tax sa unang linggo ng 2018.

Ayon kay Energy Asec. Leonido Pulido, III – pinaaalahanan ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) sa mga stakeholders na huwag munang ipataw ang dagdag na buwis sa oil products.

Sa abiso ng DOE, may dagdag presyo ngayong linggo, 60 hanggang 70 centavos ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, 20 hanggang 30 centavos sa kada litro ng gasolina.


Mayroong 70 hanggang 80 centavos sa kerosense.

Kapag ipinatupad pa ang excise tax, P2.97 ang idadagdag sa gasolina, P2.80 sa diesel habang P3.36 sa kerosene.

Facebook Comments