Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng Chinese New Year, inamin ngayon ng ilang Chinese businessman na maging sila ay apektado na rin ng bagong batas sa pagbubuwis sa bansa na Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ayon kay Leoncio Tan ang Pangulo ng Banawe Auto Parts and Accessories Association, mula nang ipatupad ang TRAIN law, nabawasan na ang kanilang kita at mga costumer.
Ito daw ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga spare parts na inaangkat mula sa ibang bansa.
Gayunman, nilinaw ng mga negosyante na nauunawaan naman nila ang tunay na layunin ng pagpataw ng karagdagang buwis.
Sa halip na magtaas ng dagdag sa presyo ng panindang spareparts ,mas pinili ng mga ito na bawasan na lang ang kanilang tubo sa katwirang na hindi mawala ang kanilang costumers.
Kasabay ng implementasyon ng train law, Ikinadismaya din ng mga negosyante at importers ang pagtaas ng “tara” na koleksyon sa Bureau of Custom.
Naniniwala sila na hindi na mawawala ang katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) sa kabila ng seryusong kampanya ng Duterte administration para linisin ito.