REPORMA SA BUWIS | Pag-angat ng buhay ng mga Pilipino, inaasahan ng Senado

Manila Philippines – Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na ang simula ng 2018 ay umpisa na rin ng pag-angat ng buhay ng maraming Pilipino dahil sa mga naipasang batas noong nakaraang taon.

Ayon kay Gatchalian, ilan sa mga batas na naipasa ay ang Free Higher Education Act, Tax Reform At Energy Sector Reforms.

Tiwala ang Senador na sa pamamagitan ng mga batas na ito ay marami nang kabataan ang makakapag-aral ng libre sa kolehiyo habang ang pagpapatibay sa energy sector ay magbibigay solusyon para sa maging mura ang kuryente at ang tax reform package na layong makapagbigay pa ang gobyerno ng higit na serbisyo at mga proyekto para sa publiko.


Sa mga batas na ito ay naninindigan ang senador na makakatulong ito para mabawasan ang mga mahihirap sa bansa at makatulong sa pag-angat nila sa buhay.

Pinuri naman ni Gatchalian ang pagtutulungan na ginawa ng mayorya at minorya sa senado para maipasa ang mga mahahalagang batas kung saan isinantabi muna ng mga mambabatas ang kanilang pagkakaiba.

Facebook Comments