Manila, Philippines – Sa unang araw ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law ngayong araw, idinepensa ni Presidential Communications Office Chief Martin Andanar ang epekto nito.
Marami kasi ang umaangal na sa kabila ng dagdag na take home pay ng mga manggagawa, lalaki rin naman ang kanilang gastos dahil sa dagdag na buwis sa mga bilihin at serbisyo.
Pero paliwanag ni Secretary Andanar, kapalit naman nito ang mas kalidad na serbisyo ng gobyerno. Mas marami raw kasing proyekto ang magagawa ng pamahalaan kapag nakakolekta ng mas mataas na buwis. Posible rin daw itong magdulot ng mas maraming job opening sa mga Pinoy.
Facebook Comments