Manila, Philippines – Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2018 National Budget at Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang kahapon, sinabi ng Pangulo na makikinabang sa P3.8 trillion na 2018 general appropriation act ang mga pulis at sundalo na mado-doble ang basic pay simula sa Enero.
Malaking bahagi rin aniya ng pondo ang inilaan sa imprastraktura, edukasyon at pondo ng mga lokal na pamahalaan.
Tiniyak naman ni Duterte na kayang suportahan ng pinirmahan niyang Tax Reform Package ang 2018 National Budget.
Aniya, aabot sa P130 billion ang kita na agad papasok sa bansa sa pagpapatupad ng bagong tax reform.
Sabi pa ng Pangulo, “biggest Christmas gift” ng gobyerno ang train kung saan 99 percent ng mga Pilipino ang makikinabang dito.
Sa ilalim kasi nito, exempted na sa pagbabayad ng buwis ang mga manggagawang sumasahod ng P250,000 kada taon o hindi lalagpas sa P21,000 kada buwan.