Reporma sa kapulisan, iginiit ng PNP Chief

Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na dapat magkaroon ng pagbabago sa kapulisan.

Ito ay makaraan ang pagpaslang ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Sinas, panahon na para pag-aralan ang pagpapabilis ng proseso para maalis sa puwesto ang mga pulis na sumusuway sa kanilang responsbilidad.


Kasabay nito, nilinaw ni Sinas hindi niya pinagbabawalan ang publiko na kumuha ng mga litrato at video sa mga nangyayaring krimen.

Paliwanag ni Sinas, pinaaalalahanan ang niya ang mga tao na mag-ingat.

Matatandaang nag-viral sa social media ang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Gregorio sa gitna ng mainit na pagtatalo.

Facebook Comments