Reporma sa Pambansang Pulisya, iginiit ng isang kongresista matapos mabaril at mapatay ang isa na namang menor de edad

Iginiit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pagkakasa ng reporma sa Pambansang Pulisya.

Ang mungkahi ay kaakibat ng matinding pagkondena ni Castro sa aksidente umanong pagbaril at pagpatay ng mga awtoridad sa 15-anyos na si John Frances Ompad.

Diin ni Castro, ang panibago na namang insidente ng pamamaril at pagpatay sa isang menor de edad ay nagpapakita ng police brutality na dapat ng matuldukan.


Para kay Castro, patunay ito na kalunus-lunos ang sitwasyon ng karapatang pantao sa ating bansa na hindi katanggap-tanggap lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Bunsod nito ay umaapela si Castro sa gobyerno na agad magpatupad ng solusyon sa mga karahasan na kagagawan umano ng mga alagad ng batas tulad ng paggamit nila ng body cameras sa lahat ng operasyon at pagsailalim sa orientation ukol sa human rights.

Facebook Comments