Reporma sa pension system ng mga uniformed personnel, isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda

Isinusulong ni Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang reporma sa pension system ng mga uniformed personnel.

Ito ay bunsod na rin ng ginawang pag-aaral ng Government Service Insurance System (GSIS) na umabot na sa ₱9.6 trillion ang financial obligations ng mga kasalukuyang active personnel.

Dahil dito, umapela si Salceda na agad resolbahin ang problema sa inihain nitong House Bill 8593 o Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform Bill na layong gawing unified ang sistema para sa separation, retirement at pension ng mga military at uniformed personnel.


Sa ilalim ng panukala ni Salceda ay magpapatupad ng mandatory contributions kung saan sa unang tatlong taon ay 5% sa empleyado at 16% sa national government; sa susunod na tatlong taon ulit ay tataas na sa 7% ang kontribusyon ng empleyado at 14% sa gobyerno; at sa mga susunod na taon na ay 9% na sa empleyado ay 12% naman sa national government.

Nakasaad din sa panukala ang pagpapatigil sa indexation o adjustment sa pensyon na siya namang i-re-review periodically at maaaring i-adjust hanggang sa maximum na 1.5%.

Itatakda naman sa 56 taong gulang ang pensionable age ng mga MUP kahit ilang taon pa ang serbisyo nito.

Pinalilikha din ng MUP Retirement Fund Authority at inirekomenda na pagkuhaan ng source ng pension ang pagbebenta o pagpaparenta ng mga assets ng MUP at national government tulad ng Manila Bay reclamation at iba pang identified na assets.

Facebook Comments