REPORMA | Saudi government, pinayagan na ang mga kababaihan na manood ng live football game

381

Saudi Arabia – Umani ng papuri ang Saudi Arabia Government matapos nitong payagan ang mga kababaihan na manood ng football game sa unang pagkakataon.

Ito ay kasunod ng konserbatibo at mahigpit na panuntuan ng kaharian sa gender separation.

Ang naturang hakbang ay isa lang sa mga reporma ni Crown Prince Mohammed Bin Salman para sa modernisasyon ng bansa.

Sa Hunyo, inaasahang papayagan na rin ang mga ito na magmaneho ng sasakyan kasunod ng anunsyo noong September 2017 na aalisin na ang ban sa pagmamaneho ng mga babae.

Matatandaang nitong Disyembre ay inalis na rin ang ban na humaharang sa mga babae na manood ng sine mag-isa, kasunod ng kagustuhan ng prinsipe na umangat ang entertainment industry ng bansa.

Facebook Comments