REPORT BAGO VIDEO: BFP REGION 1, IPINAALALA ANG UNANG TUGON SA INSIDENTE NG SUNOG

Ipinaalala ng BFP Region 1 sa publiko na unahin ang pagre-report ng insidente ng sunog bago ang pagkuha ng video upang maiwasan ang paglala ng pinsala.

Ayon sa BFP, bagama’t karaniwan na ang pagdodokumento ng mga insidente sa kasalukuyan, mas nararapat na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang sunog upang agad itong matugunan.

Pinayuhan din ang publiko na tiyaking may fire extinguisher sa loob ng bahay o establisimyento bilang bahagi ng paghahanda sa mga ganitong insidente.

Samantala, iginiit din ang kahalagahan ng pananatiling kalmado sa oras ng sunog upang makagawa ng tamang desisyon, tulad ng pagtukoy sa mga ligtas na exit route.

Ayon sa tanggapan, bagama’t target nilang makaresponde sa loob ng pitong minuto, maaaring lumaki nang doble ang sunog sa loob lamang ng 30 segundo kaya mahalagang unahin ang agarang pag-uulat ng insidente upang makapagliligtas ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments