Report kaugnay sa biyahe ng pangulo, hiniling ng Senado sa Malacañang na ilabas agad

Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Office of the President (OP) na agad maglabas ng report tungkol sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ibang bansa.

Sa budget hearing para sa tanggapan ng pangulo, nilinaw ni Pimentel na wala namang problema kung isikreto ang pag-alis ng presidente tulad sa byahe nito sa Singapore dahil ito naman ay para sa seguridad ng pangulo.

Pero, hirit ng senador ay dapat sana’y may report kung ano ang naging mga accomplishments doon.


Sinabi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na “party official at party personal” ang biyahe ng pangulo sa Singapore bunsod ng imbitasyon ng prime minister ng bansa.

Paliwanag pa ni Bersamin, kahit na personal na lakad iyon ng pangulo dahil sa imbitasyon ng prime minister, obligasyon pa rin ng gobyerno na tiyakin ang kanyang seguridad dahil hindi naman niya iniiwan ang pagiging pangulo ng bansa kahit saan ito magtungo.

Facebook Comments