Report na binasura ng WBO ang kahilingan ng GAB na ireview ang laban nina Sen, Manny Pacquiao at Jeff Horn, pinabulaanan ng Games and Amusement Board

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Games and Amusement Board ang report na binasura ng WBO ang kahilingan ng GAB na ireview ang video ng laban nina Sen Manny Pacquiao at Jeff Horn

Ayon kay GAB Commissioner Matthew Fritz Gaston, fake news ang naturang report dahil may sagot na sa kanila ang WBO

ANIYA, nag talaga na ang WBO ng judges mula sa ibat ibang bansa na siyang magre review sa video ng Pacquiao-Horn fight.


Sa gagawin aniyang review, tatanggalin ang audio ng laban para mas malinaw ang pagsusuri sa mga naging galaw sa ring.

Facebook Comments