Report Na Nahuli Na Ang Dating Driver Ni Sen. Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan – Itinanggi Ng Dept. Of Justice

8

MANILA – Itinanggi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga ulat na nahuli na ng mga otoridad ang dating driver ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Ayon kay Aguirre – patuloy pa ring “nagtatago o itinatago” si Dayan ng isang bigtime politician mula sa Norte.Maging si Senior Supt. Ronald Oliver Lee, Pangasinan Police Director, ay nagsasabi na hindi pa rin nila nadadakip ang dating driver ni De Lima.Taliwas ito sa mga usap-usapan na kumalat sa social media hinggil sa umano’y pagkakaaresto kay Dayan sa pamamagitan ng isang raid sa Urbiztondo, Pangasinan.Si Dayan ay may patong sa ulo na isang milyong piso makaraang ipag-utos ng kamara na arestuhin ito dahil sa hindi pagsipot sa isinagawang congressional inquiry hinggil sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Facebook Comments