Itinanggi ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na may utos sya na idonate ng mga pulis ang kanilang Combat Duty Pay at Combat Incentive Pay sa COVID-19 Operations ng pamahalaan.
Tinawag na Fake News ni Gamboa ang mga ulat na kumakalat sa social media na may panibagong bawas sa Combat Duty at Incentive Pay ang mga pulis para sa COVID-19 Operations.
Paliwanag ni Gamboa na totoong sinusuportahan ng PNP ang COVID Response Operations.
Ngunit nilinaw nitong ang tinutukoy na donasyon mula sa Combat Duty at Incentive Pay na mapupunta sa COVID-19 Operations ay yung balanse sa unang kinolekta noong Enero para sa mga biktima ng Taal.
Siniguro ng PNP Chief na buo at tuloy tuloy ang Combat Duty at Incentive Pay na matatanggap ng mga Police Personnel na naka-assign sa Operating Units.
Samantala, pinamamadali naman ni Gamboa ang PNP Anti-Cyber Crime Group para matukoy ang mga kumakalat ng Fake News tungkol sa COVID-19.