Report na pang-4 ang Pilipinas sa pinakadelikadong bansa para sa mga sibilyan, sinopla

Sinopla ng Malacañang ang ulat ng US-Based Data Group na pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinakadelikado para sa mga sibilyan dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – totoong mapanganib sa bansa pero ito ay para sa mga kriminal, korap at sindikato ng droga.

Para naman kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde – walang basehan ang ulat at ito ay paninira lang sa bansa na posibleng kagagawan din ng mga Pilipino.


Kasabay nito, hinamon niya ang mga naninira sa pamahalaan na manirahan sa Pilipinas para malaman na payapa sa bansa.

Facebook Comments