Report na pang-apat ang Pilipinas sa buong mundo sa pinakadelikadong lugar para sa mga sibilyan, paninira lang- PNP

Walang basehan para sa Philippine National Police ang Report ng Armed Conflict Location and Event Data Project o ACLED na pang-apat ang Pilipinas sa buong mundo na pinakadelikado para sa mga sibilyan dahil sa mga karahasan na may kinalaman sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, posibleng mga Pilipino rin ang naninira sa Pilipinas para mapaniwalang magulo sa Pilipinas, dahil maaari aniyang ayaw lang sa gobyerno ng mga naninira kaya ginagawa ito o anupamang dahilan.

Sa katunayan, sinabi ni Albayalde na pang 24 ang Pilipinas sa buong mundo na pinakaligtas para manirahan at magnegosyo.


Kaya hinahamon ni Albayalde ang mga naninirang ito na manirahan sa Pilipinas para malaman na payapa sa Pilipinas.

Facebook Comments