Wala nang bago sa pahayag ng Amnesty International na marami sa mga napapatay sa drug operation sa bansa ay pinalalabas na namatay dahil sa buy bust operation.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde palagi naman sinasabi ng mga human rights institutions ang mga umanoy paglabag ng PNP sa human rights.
Pero ito aniya ay mga pawang alegasyon lamang.
Giit ni Albayalde, lahat ng kanilang operasyon ay nakapaloob sa umiiral na batas.
Hindi aniya tumitigil ang PNP sa kampanya kontra iligal na droga dahil ito ang pangako ng pangulo sa mga Filipino.
Pinabubulaanan rin ni Albayalde ang report ng Amnesty International na tuloy tuloy ang patayan sa Bulacan dahil sa drug operation ng PNP na pinalalabas na buy bust operation.
Sa ulat ng amnesty International mula May 2018 hanggang April 2019 mayroong 20 drug operation ang ikinasa sa Bulacan at sa mga operasyong ito 27 drug suspek na ang namatay.