Maaring naghahanap lang ng butas ang Amnesty International para mabatikos ang drug war ng gobyerno.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde na “political issue” ang alegasyon ng AI.
Aniya ayaw na nyang manghimasok pa sa kontrobersya dahil ang mas mainam na sumagot dito ay ang executive department.
Igniit rin ni Albayalde na hindi lang naman sa Bulacan o Central Luzon ang bilang na may maraming namamatay dahil nationwide ang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.
Sa katunayan aniya ang National Capital Region ang rehiyon na may pinakamaraming nasawi dahil sa panlalaban sa mga operasyon.
Hinimok ni Albayalde ang AI na tingnan ang magandang nagawa nila at huwag puro batikos sa kanilang war on drugs.
Mula aniya 2016 ay umabot na sa mahigit 240,000 ang mga naaresto nila at nasa mahigit 12,000 baranggay na ang nadeklarang drug cleared.