Report ng Capital Economics hindi nagustuhan, Pangulong Duterte hindi autocratic ayon sa Malacañang

Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa inilabas na report ng isang research firm na Capital Economics na nagsabi na kahit inaasahan na maraming maipapasang panukalang batas ang Senado sa usapin ng ekonomiya dahil sa dami ng kaalyado ng Administrasyon na nanalo sa nagdaang halalan ay possible paring makasama ito pagdating naman sa issue ng pagiging autocratic na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi din ng Capital Economics na posibleng umatras ang mga foreign investors sa bansa kung magpapatuloy ang pag-atake ng mga kalaban ng Administrasyon kay Pangulong Duterte at pagmamaliit nito sa ilang political institutions.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kailanman ay hindi naging autocratic ang paraan ng pamumuno ni Pangulong Duterte sa bansa.


Paliwanag ni Panelo, nakikinig ang Pangulo sa opinion ng iba lalo na ng kanyang gabinete kaya bukas ang pangulo sa anomang suhesityon para mapaganda ang buhay ng ating mga kababayan.

Hindi din aniya totoo na umaatras ang mga investors sa bansa dahil marami ngayon ang nagpapahayag ng kagustuhang mamuhunan sa bansa.

Sinabi pa ni Panelo na hindi dapat pinaguusapan kung kaalyado o hindi ang mga bagong uupo sa kongreso dahil trabaho naman talaga ng mga ito na gumawa ng mga panukala at isabatas ang mga ito lalo na kung sa tingin ng mga ito ay makagaganda ito sa ekonomiya ng bansa o mapagpapagaan ng buhay ng GMA Pilipino.

Facebook Comments