Manila, Philippines – Agad na tumugon ang Manila City Govt. sa report ng DZXL kahapon na sangkaterbang basura ang inanod sa breakwater ng Manila Bay sa Roxas Blvd.
Kaninang alas-singko ng umaga sinimulan na ng cleanup operation ng Dept. Public Service sa pakikipagtulungan ng Task Force Manila Clean up and Engineering Dept. ng Manila City Hall.
Ayon kay Bambi Purisima head ng Manila City Hall PIO napakinggan nila ang report mula sa DZXL na nagrereklamo ang mga namamasyal at nag-jojogging dahil sa masangsang na amoy na nalalanghap nila habang namamasyal at nag-jojogging sa Baywalk sa Roxas Blvd. sa Maynila.
Hindi kasi mapapansin ang mga basurang ito kapag nasa Roxas Blvd. pero kapag lumapit doon mabubulaga agad ang mga namamasyal dahil sa tambak ng mga basura mula sa may gilid ng US embassy hanggang doon sa may bahagi ng Manila Yacht Club.
Una nang nagbanta ang Manila City Govt. na may kaakibat na parusa at mula ang sinumang naaaktuhang nagtatapon ng basura.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Manila City Govt. sa DZXL sa mga problemang ipinararating sa kanila.