Hindi na nagulat pa ang Palaso ng Malacañang sa nilalaman ng report na inilabas ng international watchdog group na The Observatory for the Protection of Human Rights Defenders kung saan binabatikos nito ang Administrasyong Duterte dahil sa issue ng War on Illegal drugs, pagbabanta laban sa mga environmental defenders at sa mga mamamahayag.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, wala nang bago sa 40 pahinang report ng grupo ay ibinase sa grupong Karapatan na kilalang bumabatikos sa administrasyon, kaya hindi na sila umaasa na magkakroon ng positibong report ang grupo.
Binigyang diin ni Panelo na umiiral naman ang freedom of expression sa ilalim ng Administrasyong Duterte basta hindi ito magreresulta ng karahasan at panawagang patalsikin ang pamahalaan.
Tiniyak ni Panelo na tatalima ang Pamahalaan sa mga nakasaad sa saligang batas at maging sa human rights treaties tulad ng International Covenant on Civil and Political Rights.
Hinamon din naman ni Panelo ang nasabing grupo na ilatag sa pamahalaan ang kanilang pinagbasehang datos upang maipaliwanag ang mga ito.