Report ng MWSS na ipapasa kay PRRD, pinaplantsa na

Pinaplantsa na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang ipepresenta nilang action plan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Abril 7.

Ayon kay MWSS Regulator Chief Patrick Ty, handa nilang harapin ang anumang magiging sagot ng Pangulo sa kanilang action plan.

Muli namang iginiit ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na handa itong magbitiw sa pwesto kung hindi na niya kayanin ang kaniyang trabaho.


Patuloy rin anila ang pakikipag-ugnayan nila sa PAGASA para ma-monitor ang antas ng tubig sa mga dam.

Facebook Comments