Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima natotoo at hindi imbento ang report ng reuters na may mga pulis na binabayaranpara pumatay ng mga drug suspects at itinuturo itong kagagawan ng mga vigilante, maliban pa sa nagtatanim din sila ng mga ebidensya sa kanilang mgabiktima.
Diin ni De Lima ito ang pangit at nakakabahalang katotohanan sa kung ano na ang kinahinatnan ngayon ng pambansang pulisya dahil sa ikinasang gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Buo ang paniniwala ni De Lima na gobyerno ang nasa likod ng Extra Judicial Killings sa bansa sa pangunguna aniya ng uhaw sa dugong pangulo.
Sabi ni De Lima, ang report ng Reuters ay tugma sa kwento nina Edgar Matobato at SP03 Arthur Lascanas patungkol sa Davao Death Squad o DDS.
Ayon kay De Vlima, ang DDS na binuo ni Pangulong Duterte sa Davao ay kumikilos at nagdadala ng salot ngayon sa buong bansa.
May mga impormasyon ding natatanggap si De Lima naikinayayanig na ng marami sa mga opisyal at kasapi ng Philippine National Police ang kawalan ng batas na umiiral sa kanilang hanay.
Kaya apela ni De Lima sa kapulisan, kumilos at isalba ang kanilang institusyon laban sa kasamaan.
Report ng Reuters ukol sa war on drugs, idinepensa ni Sen. De Lima
Facebook Comments