Nasa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice (DOJ) na ang committee report ng Senado na nagrerekomendang kasuhan ang mga sangkot sa tinaguriang ‘pastillas scam’ sa Bureau of Immigration.
Inihayag ito ni Committee on Women, Children and Family relations Chairperson Senator Risa Hontiveros na siyang naglabas ng report na pinagtibay ng buong Senado.
Sa report ay pinapasampahan ng kasong katiwalian ang 27 opisyal at personnel ng immigration na itinuro ng mga testigo na tumanggap umano ng suhol na salapi ay inirorolyo sa bond paper na parang pastillas.
Kapalit umano nito ang maluwag na pagpapapasok sa bansa ng mga chinese nationals.
Tiwala si Hontiveros na makakatulong ang report ng Senado para mapalakas pa ang kaso na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman kaugnay ng ‘pastillas scam.’