Report sa ipinamamahaging SAP ng pamahalaan, iminungkahing gawing photo liquidation

1236

Iminungkahi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Commission on Audit (COA) na gawing “photo liquidation” muna ang ulat ukol sa ipinamamahaging Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.


Ayon kay Cayetano, bibigyan na lamang ng cellphone ang kada team na naatasang mamahagi at kukunan ng litrato kada bahay na kanilang maaabutan ng ayuda.

Nabatid na paraan ito para makaiwas sa physical contact sa pagitan ng mga opisyal na namamahagi ng pera at ang mga mamamayang tatanggap nito.

Sa ngayon ay wala pa pahayag ang COA sa nasabing mungkahi.

Facebook Comments