REPORTED PATIENT CASES DAHIL SA MAINIT NA PANAHON, WALA PA UMANO AYON SA PHO

Dahil sa nararanasang mainit na panahon naka-antabay ang mga pagamutan sa lalawigan ng Pangasinan sa posibleng pagkakaroon ng mga pasyente dahil sa init ng panahon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Theresa De Guzman, magandang balita umano dahil wala pang naitatala ang ahensya partikular na ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng mga kaso ng nagiging biktima ng mainit na panahon.
Ayon pa sa kanya, sakali umano na may maramdamang kakaiba sa katawan dulot ng init ng panahon ay huwag ng hintayin na lumala at agad na magpakonsulta sa doktor.
Ilan lamang sa mga binabantayan na sakit na maaaring maramdaman ay ang heat exhaustion, heat cramps, heat stroke, dehydration, at high blood na maaaring humantong sa kamatayan dahil laganap sa panahon ng tagtuyot.
Bukod dito, ilan pa sa mga binabantayan ng ahensya ang mga sakit na gastroenteritis, diarrhea, measles, at sore eyes.
Kaya naman, patuloy ang paalala ng mga health authorities na huwag magbababad sa init ng panahon o kaya naman laging alamin ang mga gagawin sakaling makaramdam ng kakaiba sa katawan.
Sundin lamang ang mga paalala at laging antabayan ang magiging lagay ng panahon.
Facebook Comments