Reporter uminom ng Lason, naglaslas pa ng pulso

Isinugod sa ospital ang isang radio reporter sa Midsayap matapos magtangkang magpatiwakal sa pamamagitan ng pag inum ng lason at paglaslas ng pulso.

Sa impormasyong nakarating sa RMN Cotabato mula kay Garry Fuerzas, NUJP North Cotabato Vice President , kinilala nito nagtangkang magpakamatay na radio reporter na si Elmer Laroza ng Radyo Bandera NEWS FM MIDSAYAP.

Sinasabing pasado alas 4 kahapon ng madatnang naliligo sa kanyang sariling dugo habang bumubula pa ang bibig nito ng matagpuan sa loob ng kanyang tahanan sa Upper Glad 1 si Laroza.


Problema sa kanyang pamilya ang nakikitang dahilan ng tangkang pagpapatiwakal ni Laroza, habang patuloy itong inoobserabahan ngayon sa isang pagamutan sa Midsayap.

Facebook Comments