Pinapalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang reporting system ng PNP pagdating sa mga reklamo.
Ngayong araw, inilunsad ng PNP ang E-Sumbong.
Binubuo ito ng hotline, e-mail address at Facebook account na dinevelop ng Information Communications Technology ng PNP.
Magiging automated ang system kung saan kapag nagsumbong ka ay tatanggap ka ng feedback na sinasabing “Natanggap po namin ang inyong reklamo, makakaasa po kayo na ito po ay aming tutugunan.”
Sinabi ni PNP Chief, may supervision ng Office of the Chief PNP ang E-Sumbong kung saan makikita nya ang report na naaksyunan na at hindi pa.
Narito ang numero sa mga nais magsumbong: 0917-847-5757 sa Globe at 0919-601-752 para naman sa Smart.
Habang ang e-mail address ay e-sumbong@pnp.gov.ph.
Hindi naman tatanggalin ng PNP ang existing PNP numbers para magsumbong nang sa gayon ay hindi magkaroon ng kalituhan.