Representative Kiko Barzaga, nanawagan ng People Power

Nanawagan si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ng People Power para mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. katulad ng pagpapatalsik sa kanyang ama na si dating Pangulong Marcos Sr.

Sa kanyang social media post ay hinihikayat ni Barzaga ang taumbayan, gayundin ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at military reserve forces na sumama sa isang democratic revolt na sisimulan sa October 12.

Diin ni Barzaga, tatlong taon na tayong nagtitiis sa mga pagkukulang ni PBBM at hindi na rin intres ng mamamayang Pilipino ang isinusulong nito kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaalyado sa politika.

Sa video ay inilatag ni Barzaga ang mga puna sa pamumuno ni Marcos, pangunahin ang bilyun-bilyong pisong ninakaw na pondo para sa flood control program.

Binanggit ni Barzaga na dahil sa matinding kritisismo nya sa korapsyon sa gobyerno ay nadiskubre nya ang plano na alisin sya bilang miyembro ng House of Representatives.

Ayon kay Barzaga, hindi sya natitinag dahil handa syang mamatay o makulong para sa kanyang ipinaglalaban na pag-asa para sa ating kinabukasan

Facebook Comments