Representative Leila de Lima, kinondena ang marahas na kilos-protesta sa Mendiola; Kapulisan, huwag ipagkait sa mga naarestong raliyista ang kanilang karapatan

Kinondena ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang marahas na kilos-protesta sa Mendiola noong Linggo, Setyembre 21, at iginiit na hindi ganon ang tamang pagpapahayag ng galit laban sa mga nagnanakaw sa pera ng bayan partikular sa pondong nakalaan sa flood control projects.

Aniya, hindi rin tama na ibinaling ng mga nagprotesta ang kanilang poot sa mga pulis na biktima lang din ng korapsyon sa kaban ng bayan.

Kaya naman nagpapasalamat si de Lima sa pasenya at pagpapatupad ng pulisya ng maximum tolerance sa mga raliyista na naging marahas sa kanilang mga aksyon.

Pero pakiusap ni de Lima sa mga awtoridad na igalang ang karapatan ng mga naarestong raliyista at huwag ng tapatan ng karahasan ang ginawa nilang panggugulo sa Mendiola at hindi pagrespeto sa mga alagad ng batas.

Ayon kay de Lima, dapat masunod ang tamang proseso kung saan ikulong ang dapat makulong at hayaang magpiyansa ang hindi naman kakasuhan ng non-bailable na krimen.

Facebook Comments