
Malabong makipag-areglo kaya tuloy pa rin ang ethics complaint laban sa isa’t isa nina House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno at Cavite Rep. Kiko Barzaga.
Kanila itong binigyang-diin sa harap ng pagbuo ng House Committee on Ethics and Privileges ng Sub-Committee on Reconciliation na layuning pagkasunduin ang mga kongresista na may ethics complaint laban sa isa’t isa.
Ayon kay Barzaga, handa sya sa ano mang kahihinatnan o parusang ipapataw sa kaniya.
naghain ng ethics complaint ang 29 na miyembro ng National Unity Party na pinamumunuan ni Rep. Puno laban sa inaasal at mga hakbang ni Barzaga na hindi umano akma para sa isang mambabatas at nakakasira din sa Kamara bilang institusyon.
Naghain din ng ethics complaint si Barzaga laban kay Puno dahil umano sa hindi tama ang inaasal nito bilang miyembro ng kamara tulad ng pagpapahiwatig na sya ay may problema sa pag-iisip kahit wala naman itong otoridad, kakayahan o kaalaman para idetermina ang mental health ng isang tao.









